18 na ang patay sanhi ng bagyong ‘Lando’

By Jay Dones October 21, 2015 - 04:19 AM

 

Photo by Chona Yu
Photo by Chona Yu

Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga namatay sanhi ng pagragasa ng bagyong Lando sa Luzon.

Ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 16 naman ang bilang ng mga nasaktan at may isang nawawala.

Naitala ang anim na nasawi sa Central Luzon samantalang lima naman ang namatay sa Cordillera Administrative Region o CAR.

Ang lalawigan aniya ng Nueva Ecija ang naapektuhan ng baha at ulan na idinulot ng bagyo.

Nasa 121, 841 pamilya aniya o 560,570 katao ang naapektuhan ng bagyo na nagmula sa Region I, II, III, IV-A Cordillera Administrative Region at National Capital Region.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.