Media networks sasailalim din sa inspeksyon ng DOLE

By Rhommel Balasbas July 02, 2018 - 04:52 AM

Sinabi ng Department of Labor and Employment o (DOLE) na hindi makaliligtas sa labor inspeksyon ng kagawaran ang mga media networks.

Ito ay bilang bahagi ng crackdown laban sa illegal contractualization.

Sa isang panayam, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sasailalim din sa inspeksyon ang media networks kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na may isang television network ang lumalabag sa anti-contractualization laws ng bansa.

Ayon kay Bello, may bagong law compliance officers ang DOLE at agad itong pagtatrabahuin.

Samantala, kamakailan ay sinabi ng DOLE na marami nang kumpanya ang nagpahayag ng intensyong i-regular ang kanilang mga manggagawa tulad ng Jollibee Food Corpoaration, DOLE Philippines at Philsaga Mining Corporation.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.