Thunderstorm advisory, itinaas sa ilang lalawigan sa Luzon

By Angellic Jordan July 01, 2018 - 07:36 PM

Credit: PAGASA

Makakaranas ng mabigat na buhos ng ulan na may kasamang pagkidlat at bugso ng hangin sa ilang lalawigan sa bansa.

Batay sa abiso ng PAGASA, ito ay bunsod ng umiiral na thunderstorms.

Inaasahan ang naturang sama ng panahon sa lalawigan ng Tarlac, Pampanga, Bataan, Rizal at Quezon sa susunog na dalawang oras.

Maliban dito, mararamdaman din ang sama ng panahon sa loob ng dalawang oras sa Metro Manila partikular sa North Caloocan; Bulacan sa bahagi ng Marilao, Meycauayan, San Jose Del Monte, Norzagaray, Dona Remedios Trinidad; Nueve Ecija sa bayan ng Gen. Tinio at Zamabales sa bahagi ng Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Antonio at San Marcelino.

Inabisuhan ng weather bureau ang mga residente sa precautionary measures laban sa posibleng pagbaha at landslides.

TAGS: kidlat, Luzon, Pagasa, thunderstorm advisory, kidlat, Luzon, Pagasa, thunderstorm advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.