Bahagi ng University of Manila, nadamay sa sumiklab na sunog sa Sampaloc Maynila

By Angellic Jordan July 01, 2018 - 07:17 PM

(Update) Nasunog ang isang residential area sa Legarda, Sampaloc Maynila.

Nagsimulang sumilab ang sunog sa bahagi ng Delgado at Delos Santos Streets ng Barangay 402 bandang 6:00 ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas na sa Task Force Alpha ang sunog dakong 7:31 ng gabi.

Dahil sa laki ng sunog, nadamay ang bahagi ng University of Manila – College of Law building.

Pansamantala namang isinara sa mga motorista ang bahagi ng Legarda mula Chino Roces bridge.

Ayon sa mga otoridad, tuluyang naapula ang sunog bandang alas-12:48 ng hatinggabi.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pinagsimulan ng pagliliyab.

TAGS: BFP, Sampaloc Maynila, sunog, Task Force Alpha, University of Manila, BFP, Sampaloc Maynila, sunog, Task Force Alpha, University of Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.