Tatay na huli sa video habang sinasaktan ang mga anak, arestado

June 18, 2015 - 08:27 AM

tatay nanakit anakNaaresto na ang Tatay na huling-huli sa isang video na nag-viral sa mga social networking sites habang sinasaktan ang dalawa niyang anal/

Ayon kay Muntinlupa Police Chief, Sr. Supt. Alan Nobleza, sinampahan na ng kasong physical injuries at grave threats si Raymond San Juan, na isang tricycle driver.

Sa report ng nquirer.net, naaresto si San Juan sa bahay nito sa Guwardiya Ilaw Compound sa Barangay Cupang Miyerkules ng hapon.

“Hindi na siya pumalag nang arestuhin siya ng mga Pulis,” ayon kay Nobleza.

Nakakulong ngayon sa Muntinlupa Police station ang suspect.

Ayon kay Nobleza, batay sa pahayag ng mga opisyal ng Barangay Cupang, matinong tao naman si San Juan, pero naging marahas ito sa kaniyang mga anak simula ng gumamit ito ng droga dalawang taon na ang nakararaan.

Maliban sa pananakit sa kaniyang mga anak, sinasaktan din umano ni San Juan ang kaniyang live-in-partner kaya umuwi ito sa Cagayan Valley kasama ang isa pa nilang anak na isang taong gulang lamang.

Ang dalawa namang anak ni San Juan na edad anim at tatlo na nakitang sinasaktan nito sa video ay nasa pangangalaga na ngayon ng City Social Welfare Office./ Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Muntinlupa, Radyo Inquirer, viral video, Muntinlupa, Radyo Inquirer, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.