Mga miyembro at taga-suporta ng LGBT Community, dumagsa sa Metro Manila Pride March

By Rhommel Balasbas July 01, 2018 - 02:32 AM

Larawan kuha ni EJ Lazaro

Tila kinulayan ng mga miyembro ng lesbians, gays, bisexual and transgenders (LGBT) community ng bahaghari ang Marikina Sports Complex.

Ito ay bilang selebrasyon ng komunidad sa huling araw ng Pride Month kung saan kanilang isinagawa ang Metro Manila Gay Pride March and Festival.

Libu-libong mga taga-suporta at miyembro ng LGBT ang dumagsa sa nasabing pagtitipon na layong ipanawagan ang pantay na karapatan para sa kanilang komunidad dito sa Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Metro Manila Pride overall co-coordinator Nicky Castillo na inorganisa ang pagtitipon upang mabigyan ng ‘safe space’ ang LGBT members para ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Ang tema ng selebrasyon ay ‘Rise Up Together’ at ito ang kauna-unahang Pride March sa Southeast Asia at pangalawa naman sa buong kontinente.

Hindi naman napigilan ang kasiyahan ng LGBT ng protesta at pagtuligsa ng ilang grupo sa labas ng sa Marikina Sports Complex.

Iprinotesta ng ilang grupo na isang kasalanan ang pagiging miyembro ng LGBT Community kasabay ng kanilang pagkondena sa same-sex relationships.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.