Nakasagupa ng militar ang mga hinihinalang myembro ng New People’s Army na nagtangkang magtanim ng pampasabog sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro kahapon.
Ayon kay Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., commander ng Philippine Army 203rd Infantry Brigade ng 2nd Infantry Division, nakaengkwentro ng 76th Infantry Battalion ang tinatayang 40 rebeldeng komunista sa Barangay Pinagturilan.
Nagsimula ito dakong ala-1:30 ng hapon na nagtagal nang 15 minuto.
Sinabi ni Parlade na nagtatanim ng landmine ang NPA sa Sitio Kanambangan.
Wala namang nasugatan sa panig ng militar pero ani Parlade, hinihinalang may nasugatan sa mga rebelde dahil sa mga nakitang bakas ng dugo sa pinangyarihan ng insidente.
Narekober sa lugar ang improvised explosive devices, mga baril at ammunitions, cellphone, mga dokumento at mga gamot.
Tinutugis na ngayon ng pulisya at militar ang NPA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.