Jollibee: Lahat ng empleyado namin ay regular na

By Den Macaranas June 30, 2018 - 08:44 AM

Inquirer file photo

Nilinaw ng Jollibee Food Corporations na tinuldukan na nila ang pagkuha ng mga empleyado na natatapos ang kontrata kada ika-anim na buwan.

Sa ginanap na stockholders’ meeting, sinabi ni JFC Chairman Tony Tan Caktiong na wala nang contractualization sa kanilang fastfood chain saan mang panig ng bansa.

Pero ayon kay Tan Caktiong, “The issue now is about outsourcing. What kind of role can be outsourced or not?”

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Tan Caktiong na ang kanilang mga empleyado ay pawang mga regular na sa trabaho samantalang ang iba naman at regular na empleyado ng kanilang inuupahang service providers.

Nauna dito ay napasama ang Jollibee sa listahan ng top 20 companies na pasok sa labor-only contracting base sa talaan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng labor-only contracting scheme, ang principal company tulad ng Jollibee ay kumukuha ng serbisyo ng isang contractor o sub-contractor na siya namang nagde-deploy ng manggagawa kung saan kailangan ng kanilang kliyente.

Dagdag pa ni Tan Caktiong, “We are looking to outsource because service providers are more flexible”.

TAGS: BUsiness, contractualization, endo, jollibee, regular, tan caktiong, BUsiness, contractualization, endo, jollibee, regular, tan caktiong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.