Pang. Duterte, inalala ang hagupit ng Yolanda: ‘Naggastos ang luha ko ng dalawang panyo’
‘I was bleeding inside my heart.’
Ito ang bahagi ng pahayag ng pangulo sa kanyang pag-alala sa naging hagupit ng Super Bagyong Yolanda sa Visayas noong 2013.
Sa kanyang talumpati para sa Sangyaw Festival of Lights sa Tacloban, Leyte kagabi, sinabi ng pangulo na nasa dalawang panyo ang nabasa ng kanyang luha nang makita kung paano winasak ng bagyong Yolanda ang Visayas.
Ayon pa sa pangulo, ito ang isa sa pinakamalungkot na pangyayari sa kanyang buhay.
“Naggastos ang luha ko siguro dito ng mga dalawang panyo. Totoo. Literally. I was bleeding inside my heart,” ani Duterte.
Muling ikunwento ng pangulo na siya ay ipinanganak sa Maasin, Leyte.
Matatandaang ikinadismaya ng pangulo ang umano’y mabagal na paglipat sa mga biktima ng Yolanda sa permanent housing.
Kaya sa kanyang muling pagbabalik ay masaya anya siya na halos nakatayo nang muli ang Leyte at iginiit ang pagsulong ng mga pabahay sa ilalim ng kanyang termino.
“You know about six months after, I went back here to look at the progress of the housing, the ones built under my term, I was really surprised na Leyte almost was back on its feet and the skyline was more pleasant to see. More buildings and all,” ani Duterte.
Pinuri rin ni Duterte ang katatagan ng mga mamamayan ng Leyte at sinabi sa mga ito na sila ay pinagpala sa maraming pagkakataon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.