Delayed liquidation at sobrang cash advance sa OVP, kinuwestyon ng COA

By Len Montaño June 29, 2018 - 09:36 PM

Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang Office of the Vice President (OVP) dahil sa matagal na pagsusumite ng 33 empleyado nito ng travel liquidation reports at sobrang cash advance na nagkakahalaga ng higit P465,000.

Ayon sa 2017 audit report sa OVP, ang mga personnel ay gumastos ng kabuuang halaga na P27.4 million kung saan P26.4 million ay sa local trips at higit P953,000 sa foreign trips.

Pero wala pa umanong naihain na liquidation reports sa ilalim ng COA Circular 97-002 kung saan dapat magsumite ng liquidation ng domestic at international travels sa loob ng 30 araw at 60 araw pagbalik ng empleyado sa trabaho.

Sinabi pa ng COA na delayed ng mula 2 araw hanggang higit 3 buwan ang liquidation reports ng 33 OVP personnel.

Ang parehong mga empleyado ay bigo rin na mag-refund ng kanilang unused o sobrang cash advances noong nakaraang taon na nasa pagitan ng P158 at P62,018.

Samantala, nilinaw naman ng OVP na fully liquidated na ang mga halaga na nabanggit sa audit report.

Noong January 25 ay pinaalalahanan din ng tanggapan ang mga empleyado sa submission ng liquidation reports o pwedeng automatic na kaltasin ito sa kanilang sweldo.

 

TAGS: commission on audit, Office of the Vice President, commission on audit, Office of the Vice President

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.