Nagsimula nang lumabas ng bansa ang Tropical Storm Florita.
Ayon kay Pagasa weather specialist Shelly Ignacio, alas 3:00 Biyernes ng hapon ay nasa 829 kilometers east ng Basco, Batanes ang Bagyong Florita.
Taglay nito ang hangin na 65 kilometers per hour at bugsong 80 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang northwesterly direction sa bilis na 9 kilometers per hour. Ayon sa Pagasa, sa naturang forecast ay mababa na ang tsansa na tumama sa kalupaan ang bagyo.
Pero pwede pa ring palakasin ng bagyong Florita ang Habagat at magdudulot ito ng pag-uulan sa Hilagang Luzon.
Ang Tropical Storm Florita ay inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility (PAR) bukas Linggo.
Gayunman, magkakaroon pa rin ng maulap na panahon sa malaking bahagi ng Luzon sa weekend.
Magkakaroon din ng pag-uulan sa Metro Manila at Palawan sa Sabado at Linggo.
Samantalang sa Visayas, uulanin ang Leyte at Samar provinces habang asahan din ang maulan na panahon sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.