#BabaeAko movement, pasok sa 25 Most Influential People on the Internet ng TIME

By Isa Avendaño-Umali June 29, 2018 - 05:27 PM

Pasok ang mga kababaihang bahagi ng #BabaeAko sa listahan ng “25 Most Influential People on the Internet” ng TIME.

Ang listahan ay batay sa global impact ng iba’t ibang personalidad sa social media.

Mababasa sa artikulo na mula noong naupo sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte ay may reputasyon na raw siya dahil sa kanyang “rape jokes” at mga sexist na komento.

Subalit noong May 20, ilang araw matapos sabihin ni Duterte na hindi dapat isang babae ang maging susunod na Supreme Court Justice, may grupo ng mga kababaihan ang nagpasyang “they’d had enough” o ayaw na nila ang ganoong sitwasyon.

Ang mga miyembro ng #BabaeAko o I am Woman ay nag-upload ng videos na pumupuna sa sexism sa Duterte Administration.

Ayon kay Inday Espina-Varona, isang mamamahayag at co-founder ng #BabaeAko, sa bawat misogynistic statement ng presidente ay mistulang sinasabi nito na pwede siyang gayahin ng sinuman at sila’y makakalusot.

Pero dahil sa #BabaeAko, maraming mga Pilipina sa buong bansa ang nagsalita na at naglabas ng saloobin laban sa pangulo.

Noong June 12 naman, o walong araw matapos ang kontrobersyal na paghalik ni Duterte sa isang Pinay sa Seoul, mahigit isang libong indibidwal ang sumama sa protesta, bitbit ang kanilang #BabaeAko banners at mayroon ding mga panawagan para sa resignation ni Duterte.

Sinabi ni Mae Paner, isa pang co-founder ng #BabaeAko, mataas ang tingin ng lipunan sa presidente, pero kailangan umano siyang maturuan kung papaano maging tao o “simply be human.”

Ang iba pang kasama sa listahan ay ang Korean pop group na BTS, singers na sina Rihanna at Kanye West at US President Donald Trump.

Inilabas ang listahan ilang araw matapos sabihin ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte na “doomed” na ang #BabaeAko.

 

TAGS: 25 Most Influential People on the Internet, babaeako, time, 25 Most Influential People on the Internet, babaeako, time

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.