Mga nahuling lumabag sa ordinansa mahigit 20,000 na – NCRPO

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 29, 2018 - 12:20 PM

Umabot na sa mahigit 20,000 ang bilang ng mga nahuling lumalabag sa iba’t ibang ordinansa sa Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa kabuuang 20,979 na local ordinance violators ang nahuli mula June 13 hanggang alas 5:00 ng umaga ng June 29.

Noong June 13 unang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang utos sa PNP na hulihin ang mga “tambay” sa mga lansangan.

Ayon kay NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar, sa datos, karamihan sa mga nahuli ay lumabag sa smoking ban na umabot sa 5,463 o 26 percent.

Ang mga menor de edad naman na nahuli na lumabag sa curfew ay 3,922; habang ang mga umiinom sa kalye ay 3,447.

May mga dinampot din dahil sa walang suot na damit pang-itaas na umabot sa 3,137 habang ang nasa 5,010 ay dahil sa iba’t ibang paglabag.

 

TAGS: metro, NCRPO, PNP, Radyo Inquirer, tambay, metro, NCRPO, PNP, Radyo Inquirer, tambay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.