Russia magtatalaga ng defense attaché sa Pilipinas
Inanunsyo ng Russian Embassy sa Maynila na inutos ni Russian President Vladimir Putin ang pagpapadala ng kanilang kauna-unahang defense attaché sa Pilipinas.
Ayon sa embahada, ito ay upang mas mapalakas pa ng Russia ang military at technical cooperation nito sa Pilipinas.
Ayon kay Russian Embassy press attaché Natalia Naumova, wala pang napipili si Putin na taong itatalaga sa pwesto.
Ang utos ng presidente ng Russia ay ipatutupad matapos ang mahigit isang buwan makaraang magpadala ng kauna-unahang first defense attaché ang Pilipinas sa Moscow.
Matatandaang inihayag ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta kamakailan na itinalaga si Col. Dennis Pastor bilang pinuno ng Office of Defense Attaché sa Philippine Embassy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.