Robredo nagpaalala kay Duterte na maging responsable sa pananalita
May paalala si Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa iba pang opisyal ng gobyerno tungkol sa kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin.
Ayon sa bise presidente, lahat ng opisyal ng gobyerno kabilang na siya ay may karapatang ilabas ang kanilang opinyon at saloobin ngunit dapat itong ipahayag nang responsable.
Anya, may kaakibat na responsibilidad ang kalayaan sa pamamahayag at religious freedom.
Pahayag ito ni Robredo matapos ang kontrobersyal na pahayag ni Duterte kung saan kanyang tinawag na ‘istupido’ ang Diyos.
Giit ni Robredo, kasama sa obligasyon ng mga opisyal ng gobyerno ang masigurong hindi nito matatapakan at maiinsulto ang paniniwala ng mga mamamayan.
Ang ‘stupid remark’ ni Duterte sa Diyos ay nagresulta sa pagbuo ng gobyerno na ng four-man committee na inatasang makipagdayalogo sa Simbahang Katolika upang maresolba ang mga isyu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.