Duterte, hindi magso-sorry sa kanyang “stupid God” remark

By Chona Yu June 28, 2018 - 07:38 PM

 

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng paumanhin matapos ang kanyang kontrobersyal na “stupid God” remark.

Sa panayam ng mga mamamahayag kay Duterte sa Bohol, sinabi nito na hindi raw siya magso-sorry, “not in the million years.”

Ang reaksyon ni Duterte ay kasunod ng pahayag ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement na kailangan daw mag-public apology ang pangulo.

Bago naman ang ambush interview sa kanya, kalmadong humarap si Duterte sa 25th Annual National Convention of the Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP) sa The Bellevue Hotel Resort sa Panglao Island, Bohol.

Sa katunayan ay wala siyang banat sa mga kagawad ng simbahang katolika, at may binasa pang bible verse ang presidente.

Ito ay ang Ecclesiastes na isang old testament o galing sa lumang tipan.

Dito rin niya sinabi na “shut-up ako” o mananahimik muna raw siya sa pagbanat sa simbahang katolika.

 

TAGS: Rodrigo Duterte, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.