Live-in partner ng pulis na napatay sa Bohol, kinwestyon ang operasyon ng NBI

By Rohanisa Abbas June 28, 2018 - 05:55 PM

Tinawag na “ambush” ng live-in partner ni SPO1 Adonis Dumpit ang kanyang sinapit.

Kinwestyon ni Ma. Ella Amores ang ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation laban kay Dumpit na ikinasawi ng pulis.

Sinabi ni Amores na posibleng mayroong mga may sama ng loob kay Dumpit dahil aktibo ito sa kampanya kontra droga.

Naniniwala rin siya na itinanim lamang ang 15 sachet na shabu na nakumpiska sa pantalon ng pulis.

Mariin namang itinanggi ng NBI na inambush ng mga operatiba si Dumpit.

Iginiit ni NBI Bohol Head Rennan Augustus Olivia na lehitimo ang kanilang operasyon.

Nilinaw niya na hindi buy-bust operation ang kanilang isinagawa.

Aniya, minanmanan na ng mga otoridad ang mga ilegal na aktibidad ni Dumpit.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na resulta ng ballistic exam at parrafin ang Philippine National Police Crime Lab.

Napatay si Dumpit sa operasyon sa Tagbiliran City habang maghahatid umano ito ng “stocks.”.

TAGS: Adonis Dumpit, NBI, Adonis Dumpit, NBI

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.