Mga kritiko sa Anti-Tambay Policy, pinadudulog ng Malakanyang sa SC para kwestiyunin ang legalidad nito
Hinamon ng palasyo ng Malakanyang ang mga kritiko sa Anti-Tambay Policy ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumulog na lamang sa Korte Suprema.
Ito ay para kwestyunin ang legalidad ng Anti-Tambay Policy.
Giit ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi ginagawang krimen ng administrasyon ang pagiging tambay.
“We are not criminalizing vagrancy,” pahayag ni Roque
Kasabay nito, sinabi ni Roque na welcome sa palasyo ang hakbang ng Kongreso na magsagawa ng imbestigasyon sa anti tambay policy.
Sinabi ni Roque na mas makabubuti kung mabubusisi ang Anti-Tambay Policy ng pangulo para mas maging maayos ang implementasyon nito.
“Well, sabi nga ni Presidente kung tingin niyo illegal ‘yan, kwestyunin niyo na ako sa hukuman,” dagdag ni roque
Iginiit pa ni Roque na ipinatutupad lamang ng pangulo ang mga batas at mga ordinansa para malabanan ang kriminalidad sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.