Mahigit 300 dinampot sa South Metro Manila

By Jan Escosio June 28, 2018 - 01:02 PM

Sa kabila ng pagiging mainit na isyu ng anti-tambay campaign, umabot pa rin sa 306 ang hinuli sa Southern Metro Manila dahil sa paglabag sa ibat ibang ordinansa.

Sa ibinahaging impormasyon ni Southern Police District Director Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., ang bilang na nahuli ay sa nakalipas na 24 oras.

Ayon kay Apolinario 182 menor de edad ang kasama sa mga hinuli dahil sa paglabag sa curfew hours na alas 10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

May 55 na hinuli dahil sa paglabag sa smoking ban sa mga pampublikong lugar.

Dinampot din ang 43 na nahuling nag iinuman sa kalsada, 17 ang naaktuhang walang suot na damit pang itaas o half-naked.

At may walo na nahuling umiihi na parang aso dahil sa pampublikong lugar sinasagot ang tawag ng kalikasan.

 

TAGS: Radyo Inquirer, Southern Police District, SPD, Radyo Inquirer, Southern Police District, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.