$3M ipinasasauli ng korte kay Hollywood actress Rebel Wilson sa nakaaway niyang media outfit

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 28, 2018 - 10:53 AM

AFP PHOTO

Inatasan ng korte ang Hollywood actress na si Rebel Wilson na isauli ang mahigit tatlong milyong dolyar na danyos sa kasong isinampa nito sa korte.

Ito ay makaraang paboran ng Victorian Court of Appeal ang apela ng Bauer Media na babaan ang damage claim sa kasong isinampa ni Wilson laban sa kanila.

Mula sa Aus$4.5 million na iginawad ng korte sa aktres matapos manalo sa kasong isinampa nito laban sa Bauer Media, ang publisher ng Woman’s Day, Australian Women’s Weekly, at OK Magazine kung saan lumabas ang mga artikulo tungkol kay Wilson, naibaba ito sa Aus$600,000 na lamang.

Kinasuhan ni Wilson ang kompanya dahil sa artikulong lumabas noong 2015 kung saan pinalilitaw na isa siyang “serial liar” na nakasira aniya sa kanyang reputasyon.

Nawalan din umano siya ng trabaho sa dalawang pelikula dahil sa naturang istorya.

Pero sa desisyon ng Court of Appeal, iginiit nito na walang basehan ang argumento ng mga abogado ni Wilson at ang mga ebidensyang pinagbatayan ng korte ay pawang galing sa aktres at sa dalawang Hollywood agents.

Nauna nang sinabi ng Pitch Perfect star na ido-donate niya sa charity ang nakuha niyang kumpensasyon kaugnay ng kaso.

Sa kanya namang Twitter account, agad na naglabas ng reaksyon si Wilson. Sa kanyang post, sinabi nito na hindi naman isyu ang pera. “While this case was never about the money for me, I do hope to receive as much as possible to give away to charities and to support the Australian film industry.”

Hindi naman humarap sa korte si Wilson dahil may ginagawa itong pelikula sa Europe.

TAGS: Radyo Inquirer, rebel wilson, Radyo Inquirer, rebel wilson

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.