Halos 100 baby hammerhead sharks nakitang patay sa baybayin ng Hawaii
Iniimbestigahan na ng mga otoridad sa Hawaii ang pagkakatuklas sa dose-dosenang baby hammerhead sharks sa Keehi Lagoon sa Honolulu.
Partikular na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Division of Conservation and Resources Enforcement matapos makita ang nasa 50 hanggang 100 patay na pating malapit sa La Mariana Sailing Club.
Ang naturang lagoon ay kilalang birthing location para sa mga hammerhead sharks, pero bihirang pagkakataon umanong may makitang mga patay na baby sharks sa naturang lugar.
Dahil dito, hinala ng mga otoridad sa lugar na maaaring nahuli ng mangingista ang mga pating at nang makitang patay na ang mga ito ay itinapon na lang sa lugar.
Kinakailangan kasing manatiling kumikilos ang hammerhead sharks para sila ay makahinga kaya kung sila ay nalambat at tumagal ng 2 hanggang 3 minuto na hindi sila nakakagalaw ay hindi rin sila makakahinga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.