Kaso sa pagitan ng Apple at Samsung hinggil sa patent infringement, tinapos na
Tinapos na ng Apple at Samsung ang pitong taon na nitong kaso sa korte kaugnay sa usapin ng patent infringement.
Nagkasundo ang dalawang kumpanya na i-settle na lang ang usapin matapos ang ginawang pagdinig sa korte. Hindi naman isinapubliko kung ano ang nilalaman ng kasunduan.
Nagsimula ang kaso taong 2011 nang akusahan ng Apple ang Samsung ng pangongopya sa disenyo ng iPhone at iba pang features ng cellphone gaya ng pa-double-tap para mai-zoom.
Taong 2012 nang unang magpasya ang korte na pagbayarin ng $1 bilyon ang Samsung sa Apple pero naghain ito ng apela dahialn para magpasya ang federal judge na ibaba ang multa sa $450 million.
Hindi pa rin natapos doon ang kaso at patuloy na umapela ang Samsung kaya nakarating na sa Supreme Court ang usapin.
At noong lamang buwan nang Mayo ay nagpasya ang korte na $539 million ang dapat na ibayad ng Samsung sa Apple.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.