LPA sa loob ng PAR, patuloy na binabantayan ng PAGASA

By Rhommel Balasbas June 28, 2018 - 06:29 AM

Binabantayan ng PAGASA ang isang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Sa 4am weather forecast ng PAGASA, namataan ang sama ng panahon sa layong 1,095 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Sa ngayon, wala pang direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa ngunit inaasahang kikilos ito sa direksyong Kanluran-Hilagang Kanluran at posibleng magpalakas sa habagat na makakaapekto sa dulong Hilagang Luzon.

Hindi inaasahang magiging ganap na bagyo ang sama ng panahon sa loob ng 24 oras.

Gayunman, pinapayuhan ang lahat na antabayanan ang updates ng PAGASA tungkol sa nasabing LPA.

Ngayong araw, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang mararanasan ng bansa o ‘generally fair weather’ na may posibilidad lamang ng pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

TAGS: LPA, Pagasa, Radyo Inquirer, weather, LPA, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.