Prince William nakipagkita sa pangulo ng Palestine

By Justinne Punsalang June 28, 2018 - 12:02 AM

AP Photo

Pumunta si Prince William sa West Bank upang makipagkita kay Palestinian President Mahmoud Abbas.

Sinasabing hindi pulitikal ang pagbisita ni Prince William sa lugar, ngunit nakatakda siyang makipagpulong sa pinuno ng Israel at Palestine. Bukod pa ito sa kanyang pagbisita sa mga lugar malapit sa kaguluhan sa pagitan ng dalawang mga bansa.

Sa ikalawang araw ng royal visit ay nagpunta si Prince William sa Rothschild Boulevard at nakipagkita kay Netta Barzilai na nanalo sa 2018 Eurovision song contest.

Pagkatapos nito ay dumalo sa isang cultural event ang Duke of Cambridge kung saan nakipagkita siya sa mga kabataang nakikiisa sa youth activism.

Umaasa ang mga Palestinians na makatutulong ang pagbisita ni Prince William kasunod ng pagbapor ng Estados Unidos sa kanilang kalabang bansa na Israel.

Si Prince William ang kauna-unahang miyembro ng British royal family na pumunta sa Israel at sa mga teritoryong sakop ng Palestine.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.