Duterte hindi na kailangang mag-sorry sa Diyos ayon kay Roque
Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi kailangan ng paumanhin sa Diyos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Reaksyon ito ni Roque kung maglalabas ba ang pangulo ng public apology na hiniling ni evangelical leader Bro. Eddie Villanueva.
Ayon sa opisyal, iba ang opinyon niya sa nais ni Villanueva dahil ang Diyos na alam niya ay hindi hihingi ng public apology mula sa Pangulo.
Ang Diyos umano na kilala ng kalihim ay “God of Love” at mas higit sa anumang salita na galing sa isang mortal gaya ng tao.
Iginiit ni Roque na ang Diyos ng mga Kristiyano ay mas nais ang healing at hindi ang pangingibabaw ng galit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.