Mga tricycle pinayan muling dumaan ng Katipunan Ave.
Makakadaan nang muli sa Katipunan Avenue ang mga tricycle, matapos aprubahan ng Metropolitan Manila Development Authority ang hiling ng gobyerno ng Quezon City.
Ngunit sabi ng MMDA Special Operations Group head Bong Nebrija ay magagamit lamang nila ang pinakagilid na parte ng Katipunan Avenue.
Ayon kay Nebrija ay nag assign na sila ng dispatcher sa terminal ng tricycle upang bantayan ang mga sasakay na pasahero at maiwasan ang overloading.
Ang bawat tricycle ay dapat may tatlo lamang na pasahero at ang pang apat na tao ay ang driver nito.
Ayon sa Presidente ng Katipunan Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA), nakahuli na sila ng anim na tricycle drivers dahil sa overloading.
Ang parusa sa overloading ay tatlong araw na suspensyon, na pinag-usapan at pinagkaisahan sa ng MMDA, QC local government, at ng TODA members.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.