Libu-libo makikibahagi sa kapistahan ng Our Lady of Perpetual Help
Inaasahang dadagsa ang libu-libong deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Shrine of Our Lady of Perpetual Help o Baclaran Church sa Parañaque ngayong araw.
Ito ay upang ipagdiwang ang kapistahan ng ‘Our Mother of Perpetual Help’ o Ina ng Laging Saklolo.
Walong misa ang ipagdiriwang ngayong araw mula alas-6:30 ng umaga kung saan ang high mass ay pangungunahan ni Parañaque Bishop Jesse Mercado ganap na alas-6 ng gabi.
Hinikayat ng mga opisyal ng simbahan ang mga mananampalataya na dasalin at pagnilayan ang ‘Memorare’ o ang panalangin para sa taimtim na debosyon sa Birheng Maria.
Samantala, isang prusisyon din sa karangalan ng Ina ng Laging Saklolo ang magaganap mamayang gabi pagkatapos ng high mass.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.