Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año na magsagawa ng audit sa peformance ng mga mayor, governor, at iba pang opisyal ng mga lokal na pamahalaan.
Sa talaumpati ng pangulo sa harap ng mga bagong halal na barangay captain sa Region IX sa Municipal Gymnasium sa Molave, Zamboanga del Sur, sinabi nito na ito ay para malaman kung sinong mga lokal na opisyal ang nagtatrabaho.
Ayon sa pangulo, kapag mataas ang antas ng kriminalidad at talamak ang operasyon ng iligal na droga sa kanilang lugar, pakakasuhan niya ito ng neglect of duty.
Iginiit pa ng pangulo na kapag inirekoemnda ni Año sa kanyang imbestigasyon na sibakin sa serbisyo ang isang lokal na opisyal ay gagawin niya ito.
Patunay kasi ito ayon sa pangulo, na walang kakayahan ang isang lokal na opisyal na pamahalaan ang kanyang lugar na nasasakupan.
Ayon sa pangulo, kailangan niya ng tulong mula sa lokal na opisyal dahil hindi niya kakayaning mag-isa na patakbuhin ang Republika ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.