Minimum wage earners posibleng tumanggap ng P200 na subsidy kada buwan mula sa DOLE
Pinag-aaralan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang ideya na pagbibigay ng subsidiya para sa mga 4.1 milyong minimum wage earners sa buong bansa.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, posibleng nasa P200 kada buwan ang ibibigay sa mga manggagawa.
Gayunman anya ay maaaring isang bagsakan na lang ito ibibigay para sa isang taon o aabot sa P2,400.
Planong ibigay ng gobyerno ang subsidiya sa loob ng tatlong taon at ang pondo para rito ayon kay Bello ay magmumula sa gobyerno.
Ang naturang halaga anya ng subsidiya ay napagdesisyunan matapos ang konsultasyon kasama ang Department of Finance (DOF) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, kailangan pang aprubahan ang naturang panukala ng tanggapan ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.