Malacañang pumalag sa bintang na mahihirap ang biktima sa war on drugs
Kinukwestyon ng Malacañang ang resulta ng pag-aaral ng Ateneo De Manila at De La Salle University na tanging ang mga mahihirap at walang trabaho lamang ang napapatay sa anti-drug operations na ikinasa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat kasing inalam ng dalawang unibersidad kung totoong sa drug war napatay ang mga mahihirap.
Binabatikos din ni Roque ang inilabas na impormasyon ng nasabing mga educational institurion dahil umasa lamang umano sila sa ulat ng media.
Hindi rin aniya inimbestigahan isa-isa ng mga dalubhasa ang mga kaso ng pagpatay sa mga mahihirap bagkus basta na lamang aniya nila ito tinanggap.
Giit ng presidential spokesman, dapat na mas pinag-ibayo pa ng mga eksperto ng dalawang unibersidad ang kanilang pagsasaliksik upang malaman kung may iba pang mas malalim na dahilan ng pagkamatay ng ilang sangkot sa droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.