Inalis sa pwesto ang bagong talagang direktor ng Eastern Police District o EPD na si Chief Supt. Alfred Corpuz.
Ito ang inanunsyo ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar, at epektibo ito ngayong araw (June 26).
Si Corpuz ay ililipat aniya sa Office of the Chief PNP.
Nakaka-dalawang linggo pa lamang si Corpuz bilang pinuno ng EPD.
Nang matanong naman si Eleazar kung ano ang rason ng pagrelieve kay Corpuz, “command decision” daw ito.
Ang papalit naman sa EPD ay si Police Senior Supt. Bernabe Balba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.