CBCP welcome sa pakikipag-usap kay Duterte

By Alvin Barcelona June 26, 2018 - 03:31 PM

Inquirer file photo

Payag ang pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa planong pakikipag-dayologo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, handa ang simbahan na humarap sa pangulo lalo na at kabutihan ang maaaring ibunga ng pakikinig at pakikipag-usap na isang mahalagang sangkap para sa pagkakasundo.

Kumpiyansa ang Arsobispo na kaibigan ng pangulo na magiging maayos ang resulta ng ng mungkahing dayalogo sa pagitan ng pamahalaan at simbahang katolika maging iba pang sekta na nasaktan sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa paglapastangan nito sa ngalan ng Diyos.

Nauna dito ay nanawagan ang ilang mga obispo na magkaroon sila ng pag-uusap hingil sa mga naging pahayag ng pangulo.

Matatandaang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na itinalaga siya ng punong ehekutibo bilang miyembro ng komite kasama sina Foreign Affairs Usec. Ernesto Abella at Edsa People Power Commission member Pastor Boy Saycon.

Layunin ng direktiba ng pangulo na humupa na ang tensyon na nilikha kanyang mga pahayag laban sa diyos at sa simbahan.

TAGS: CBCP, dialogue, duterte, Roque, valles, CBCP, dialogue, duterte, Roque, valles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.