Peace talks ginagamit ng CPP-NPA para magpalakas ng pwersa – AFP
Ginagamit umano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army ang usapang pangkapayapaan para magpalakas ng kanilang pwersa, ayon sa Armed Forces of the Philippines.
Ipinahayag ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo na natalakay na ng militar kay Pangulong Rodrigo Duterte ang patuloy na paghina ng komunistang grupo at pananahimik habang nagpapalakas.
Aniya, gayunman, nakasalalay pa rin sa pangulo kung ipagpapatuloy ang peace negotiations.
Inabisuhan naman ni Arevalo ang publiko na manatiling kritikal at bantayan ang pagnanais ng CPP-NPA ng tigil-putukan. Aniya, patuloy pa rin ang mga rebelde sa kanilang armed struggle at hindi nila iiwan ito kailanman.
Sinabi ni Arevalo na kung tunay na nanaisin ang kapayapaan, dapat na talakayin ang kapayapaan at hindi pagpapalakas ng pwersa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.