Kumalat na pekeng P10,000 hawak na ng BSP

By Jan Escosio June 26, 2018 - 08:51 AM

Natunton ng ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P10,000 na kumalat sa social media.

Kinumpiska na ng BSP ang nasabing pekeng pera.

Sinabi ni Joy Lorico, managing director ng Currency Management ng BSP, sa Pampanga nila nakuha ang pekeng pera at aniya nag-iisa lang ang kopya nito.

Magugugunita na naging viral sa social media ang P10,000 perang papel kayat agad na nagpalabas ang Bangko Sentral ng abiso sa kanilang Facebook account.

Nilinaw ng BSP na wala silang inilalabas na P10,000 pera at itinuturing na krimen ang paggawa, pag iingat at paggamit ng pera.

Dagdag pa ng BSP tanging P1,000; P500; P200; P100; P50 at P20 lang ang halaga ng mga perang papel sa bansa.

Bagamat noong 1998, naglabas ang BSP na buong P100,000 at P2,000 Centennial commemorative bills.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, fake 10000 peso bill, Bangko Sentral ng Pilipinas, fake 10000 peso bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.