Prince William, kauna-unahang British royal na bumisita sa Holy Land

By Rod Lagusad June 26, 2018 - 03:49 AM

Sinimulan na ni Prince William ang kauna-unahang official visit ng isang British royal sa Israel at Palestinian Territories.

Bibisitahin ni Prince William ang mga religious sites, pagbibigay galang sa mga biktima ng Holocaust at pakikipagkita sa mga kabataang Jewish at Arab youths, at maging sa mga lider ng Israel at Palestine.

Ayon sa tagapagsalita ng prinsipe, ang pagbisita nito ay non-political visit tulad ng pagbisita ng iba pang miyembro ng British royal family.

Bibisitahin din ni Prince William ang Church of St. Mary Magdalene at ang libingan ng kanyang great-grandmother na si Princess Alice na kumukop ng pamilyang Jewish sa Greece noong panahon ng World War II.

Ang Holy Land ay isa mga bansang dati ng sakop ng Britanya.

TAGS: Holy Land, israel, Palestine, Prince William, Holy Land, israel, Palestine, Prince William

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.