Pahayag ni Duterte na matamlay na ekonomiya ng bansa, pamumukpok lang sa ibang sangay ng pamahalaan para palakasin ang Build Build Buiild program
Nanindigan ang palasyo ng Malakanyang na pinupukpok lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibang sangay ng pamahalaan nang sabihin nitong doldrums o matamlay ang lagay ng ekonomiya ng bansa.
Sa pulong balitaan sa Cagayan De Oro City, Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na maari kasing nakikita ng Pangulo na hindi pa malakas ang andar ng Build Build Build program ng pamahalaan sa mga lalawigan dahilan para hindi pa sumigla ang ekonomiya.
Sinabi pa ni Roque na nais kasi ng pangulo na bilisan at ayusin ang mga infrastructure projects sa mga lalawigan.
Naniniwala rin si Roque na Pederalismo ang solusyon para lumakas ang andar ng ekonomiya.
Ang pahayag ng pangulo ay kontra sa pahayag ng kanyang economic managers na nasa 6.8 percent ang paglago ng ekonomiya sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan dahil sa dami umano ng proyekto ng administrasyon gaya ng Build Build Build program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.