Ipinababasura ni dating Health Sec. Janette Garin ang umano’y malisyoso at walang basehan na kaso laban sa kanya kaugnay ng Dengvaxia.
Sa kanyang isinumiteng counter-affidavit sa preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ), sinabi ni Garin na dapat ibasura ang kaso laban sa kanya at iba pang dating opisyal dahil sa kawalan ng probable cause at hindi sapat na ebidensya.
Ang kaso ay isinampa ng mga magulang ng mga bata na namatay dahil umano sa Dengvaxia.
Pero giit ni Garin, taliwas sa rekomendasyon ng Public Attorney’s Office (PAO), ipinatupad ang dengue vaccine program matapos ang masusing pag-aaral at kahandaan ng dating administrasyon.
Ang paggamit anya sa Dengvaxia ay suportasdo ng pagsusuri ng lokal at international institutions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.