6 na pulis patay, 9 sugatan sa misencounter sa Samar

By Den Macaranas June 25, 2018 - 07:54 PM

Patay ang anim na pulis samantalang siyam na iba pa ang sugatan sa sinasabing misenounter na naganap sa Sitio Lunoy, Brgy. San Roque, Sta. Rita Samar.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagsasagwa ng pagpapatrol sa lugar ang mga tauhan ng 1st Platoon ng 805th Company ng Regional Mobile Force Batallion ng maka-enkwentro nila ang ilang armadong kalalakihan.

Tumagal ng 20 minuto ang bakbakan at hindi umatras ang grupo ni C/Insp. Don Arhie Suspeñe na siyang pinuno ng nasabing pwersa ng PNP.

Pero sa kasamaang palad ay anim sa kanyang mga tauhan ang patay na pawang may mga ranggong PO1 at siyam ang naitalang sugatan na ngayon ay ginagamit sa magkakahiwalay na ospital.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP-Samar ay kanilang natuklasan na mga sundalo ang namaril sa  nasabing mga pulis.

Ang nakabarilan ng mga pulis ay ang grupo ni 1Lt. Orlando Casipit Jr. ng 87th Infantry Batallion ng Philippine Army.

May kasamang 16 na enlisted personnel si Casipit nang maganap ang misencounter na ngayon ay iniimbestigahan na ng PNP at AFP.

TAGS: AFP, Camp Crame, misencounter, PNP, po1, sta. rita samar, AFP, Camp Crame, misencounter, PNP, po1, sta. rita samar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.