Gilas Pilipinas patungong Taiwan, haharapin ang Chinese-Taipei sa FIBA World Cup Asian qualifiers
Muling makakaharap ng Philippine national basketball team na Gilas Pilipinas ang Chinese-Taipei para sa FIBA World Cup Asian qualifiers.
Patungo na ang koponan sa Tawian para sa gaganaping laban sa Taipei Heping Basketball Gym sa Biyernes.
Pangungunahan ang Gilas ng mga beteranong manlalaro na sina Jayson Castro, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar at Gabe Norwood.
Makakasama rin ang Gilas sina Calvin Abueva, Terrence Romeo, Baser Amer, Carl Bryan Cruz, Jiovani Jalalon, Allein Maliksi, Roger Pogoy, Troy Rosario, Matthew Wright, naturalized Filipino center na si Andray Blatche at Troy Rike.
Matatandaang natalo ng Gilas ang Chinese-Taipei noong Nobyembre sa iskor na 90-83 sa Araneta Coliseum.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.