Kampanya kontra tambay na lumalabag sa local ordinances, suportado ni Gov. Imee Marcos
Suportado ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) kontra sa mga lumalabag sa local ordinances ng mga lungsod o tambay.
Sa isinagawang flag raising ceremony sa Camp Crame, sinabi ng gobernador na hindi lahat ng tambay ay inosente.
Giit pa nito, dapat ikonsidera ng mga kritiko ang nararamdamang takot sa publiko at pang-aapi sa ilang mamamayan.
Matatandaang umaani ng kabi-kabilang kritisismo ang naturang operasyon ng PNP.
Si Marcos ay guest of honor at speaker sa flag raising ceremony at presentation of awadrds sa mga nagwahi sa National CDM Competition sa Camp Crame, Lunes ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.