Pahayag na ‘Stupid God’ ni Pang. Duterte, personal niyang paninindigan ayon sa Malakanyang

By Chona Yu, Donabelle Dominguez-Cargullo June 25, 2018 - 10:29 AM

Personal na paninindigan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag niya kung saan may nabanggit siyang kataga na “Stupid God”.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sakop ng “kalayaan sa pananampalataya ang walang pinaniniwalaang pananampalataya”.

Sinabi ni Roque na sa tingin niya ay mayroong personal na spirituwalidad ang pangulo at entitled ang pangulo para sa kaniyang pansariling spiritual belief.

Maari aniyang ang mga deklarasyong ito ng pangulo ay galing pa sa kaniyang karanasan noong siya ay bata na diumano ay naabuso siya ng isang pari.

Kasabay nito hinikayat ni Roque ang simbahan na tugunan ang mga reklamo ng pang-aabuso laban sa mga pari.

TAGS: Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Stupid God remark, Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Stupid God remark

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.