Mga kumpanya ng langis nag-anunsyo na ng rollback: P1.15/liter mababawas sa presyo ng gasolina

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 25, 2018 - 09:51 AM

(UPDATE) Mahigit piso ang aasahang rollback sa presyo ng gasolina na epektibo bukas ng umaga, araw ng Martes, June 26.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, P1.15 ang ipatutupad na bawas sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.90 sa kada litro ng diesel at P0.85 sa kada litro ng kerosene.

Pawang nag-anunsyo ng nasabing halaga ng rollback ang mga kumpanyang Shell, Caltex, Phoenix, Flying-V, SeaOil, Total at PTT.

Nauna naman nang nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo, Sabado ng umaga ang kumpanyang Petro Gazz.

TAGS: BUsiness, oil companies, oil price, rollback, BUsiness, oil companies, oil price, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.