Mga ahensya pinaiiwas ni Pang. Duterte sa pagdaraos ng convention sa malalayong lugar

By Chona Yu June 25, 2018 - 08:46 AM

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga empleyado ng gobyerno na iwasan na ang pagsasagawa ng iba’t ibang mga convention.

Paliwanag ng pangulo, junket at pag-aaksaya lamang ng pera ng gobyerno ang mga convention.

Hindi maikakaila na karaniwan pang ginagawa ang mga convention kung saan saang parte ng bansa, o kailangan pang bumiyahe ng mga dadalo

Kaya para sa pangulo, kung meron mang ahensiya ng gobyerno ang gustong magpatawag ng malawakang pagtitipon o seminar, gawin na lamang ito sa simpleng paraan.

“You know I always come with a prepared speech if I think that the crowd will just simply listen and is in a hurry to get out. Most of the conventions outside, lalo na sa gobyerno, are pure b***s*** ‘yan. [laughter] Junket lang ‘yan, sa totoo lang. And that is why I have discouraged government people calling a convention or a seminar in Manila. Sabi ko, “dito kayo mag-seminar then we will call the resource persons here.” Much cheaper at lesser junket. Malaking kakain ninyo ‘yan sa pera ng opisina. Pero kayo kay gasto man ninyo, okay lang. Way problema dito kung… It’s a good crowd that’s really good,” ayon sa pangulo.

Dagdag pa ng pangulo, hindi aniya niya hinihikayat ang mga convention na kailangan pang idaos sa malalayong lugar dahil tiyak, malaking pera aniya ng kakainin ng mga pagtitipon.

TAGS: conventions, government agencies, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, conventions, government agencies, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.