Pang-64 na batang naturukan ng Dengvaxia at nasawi isinailalim sa otopsiya ng PAO

By Donabelle Dominguez-Cargullo June 25, 2018 - 07:49 AM

Photo from PAO

Isa pang biktima na hinihinalang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia ang naisailalim sa autopsy ng Public Attorney’s Office o PAO.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, ito na ang ika-64 na kaso na kanilang nasuri.

Ang batang si Crystal Mae Gaton, 10 taong gulang ay isang beses na naturukan ng Dengvaxia vaccine noong Sept. 14, 2017.

Noong May 2018 nang makaranas siya ng mga sintomas hanggang sa tuluyang humina. Nasawi si Gaton noong June 20, 2018.

Gaya ng mga nagdaang kaso, nakiitan ng brain at multi-organ bleeding at multi-organ enlargement lalo na ang kaniyang liver at kidney.

TAGS: 64th victim, Dengvaxia Vaccine, Health, Radyo Inquirer, 64th victim, Dengvaxia Vaccine, Health, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.