Apat sugatan sa magkahiwalay na aksidente sa Maynila at Malabon
Sugatan ang apat na katao sa magkahiwalay na aksidenteng naganap sa Maynila at Malabon.
Sa Moriones, Tondo Maynila, dalawang babaeng menor de edad ang nasugatan nang sumemplang at sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo.
Isang 14 anyos na babae ang nagmamaneho ng motorsiklo habang 16 anyos naman ang angkas nito.
Ayon sa mga nakasaksi, mabilis ang andar ng motorsklo habang binabagtas ang Moriones Street nang bigla itong sumemplang.
Tumilapon ang dalawang menor de edad at nagtamo ng matinding pinsala sa ulo ang driver.
Agad isinugod sa pagamutan ang dalawa na parehong walang lisensya at wala ring supt na helmet.
Sa Malabon naman, dalawa rin ang nasugatan matapos araruhin ng isang trailer truck ang mga concrete separator sa northbound lane ng Mc Arthur Highway.
Naipit sa minamaneho niyang truck ang driver na si Brian Macarilay matapos nitong banggain ang mga concrete separator sa lugar.
Isang motorsiklo din ang nahagip nito dahilan para masugatan ang sakay nitong buntis.
Nayupi ang harapan ng trailer truck kaya natagalan bago maialis ang driver sa pagkakaipit.
Nagdulot ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic ang nasabing aksidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.