Awards Night ng 1st Subic Bay International Film Festival idinaos
Itinanghal na ang mga nanalo para sa kauna-unahang Subic Bay International Film Festival gabi ng Linggo sa Subic Bay Freeport Zone.
Sa anim na mga finalist para sa nasabing film fest, ang pelikulang “Bhoy Instik” ang nakahakot sa pinakamaraming pagkilala. Kabilang dito ang Best Screenplay, Best Cinematography, Best Picture, at Best Actor para sa pagganap ni RS Francisco.
Tatlong awards naman ang inuwi ng pelikulang “Old Skool.” Ito ay para sa Best in Production Design, Best in Music, at Best Actress para sa pagganap ni Tessie Tomas.
Inuwi naman ni Dominic Nuesa, direktor ng “Ang Araw sa Likod Mo” ang Best Director Award. Wagi rin ang nasabing pelikula para sa Best Editing.
Samantala, nakuha naman ng pelikulang “Isang Hakbang” ang Jury Best Ensemble Award.
Ibinigay naman sa batikang direktor na si Elwood Perez ang Master in Cinema Award.
Kabilang din sa mga pelikulang kasama sa SBIFF ang “Rolyo” at “Balatkayo.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.