Pinay wagi sa kauna-unahang Miss Landscapes International

By Isa Avendaño-Umali June 24, 2018 - 08:49 PM

Wagi ang pambato ng Pilipinas sa first-ever Miss Landscapes International na ginanap sa Guangzhou, China kahapon (June 23).

Tinalo ni Karen Grace Bernal Atienza ang nasa apatnapung kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Idineklara si Miss Ecuador bilang 1st runner-up, habang sina Miss Peru at Miss Thailand ang 2nd at 3rd runners-up.

Si Atienza ay 26-anyos na English teacher at tubong-Rodriguez, Rizal.

Nagtapos si Atienza bilang magna cum laude sa Technological Institute of the Philippines.

Hindi rin bago sa kanya ang pagsali sa beauty pageants, at sa katunayan ay itinanghal siya bilang 2nd runner-up sa Miss Tourism Philippines noong 2016.

Noong nakalipas na taon naman ay nakamit niya ang koronang Sapphire sa Jewel of the World Philippines.

Pero mas nakilala si Atienza makaraang mag-viral ang isang video sa social media kung saan isinayaw ng guro ang isang dance craze sa harap ng klase, nang siya’y udyukan ng mga estudyante nito.

 

TAGS: Miss Landscapes International 2018, Miss Landscapes International 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.