PCOO, nag-sorry matapos gawing “Winston” ang pangalan ni Sen. Gatchalian
Humingi ng paumanhin ang Presidential Communications Operations Office o PCOO kaugnay sa panibagong “blunder” o pagkakamali nito.
Sa June 13, 2018 press release ng PCOO na may pamagat na “President Duterte Commits to Provide Quality and Affordable Education Act,” “Winston” ang naisulat na first name ni Senador Sherwin Gatchalian.
Ikinadismaya ito ni Gatchalian at sinabing “mag pag-asa pa ba ang PCOO?”
Agad ding umani ng batikos mula sa publiko gaya ng netizens ang blunder na ito.
Sa Erratum na inilathala sa website ng PCOO, nag-sorry ang ahensya kay Gatchalian at sa publiko hinggil sa naturang pagkakamali.
Ayon sa PCOO, trabaho nila na maglabas ng mga tumpak na impormasyon, at ang nasabing pagkakamali ay hindi naaayon sa standards ng communication’s team ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagtitiyak ng PCOO na siniseryoso nila ang usapin at kahalintulad na sitwasyon, at magpapatupad din umano sila ng mas mahigpit na panuntunan upang maiwasan na ang oversight.
Kamakailan ay nabatikos ang PCOO dahil “Rogelio” ang nailagay na pangalan ng pumanaw na kongresista na si Roilo Golez, sa mga post sa social media ng ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.