P1M multa ipapataw ng DTI sa mga lumalabag sa SRP

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 06:02 AM

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga establisyimento na magpapataw ito ng P1 milyong multa para sa mga mapapatunayang nagmamanipula sa halaga ng mga bilihin o ang paglabag sa suggested retail price (SRP).

Sa datos ng DTI, nasa 85 na mga produkto na ang nakita nilang nadagdagan ng mas mataas na presyo kaysa sa SRP.

Mula sa nasabing bilang, 77 mga produkto na ang agad na ibinalik sa orihinal nitong SRP matapos mag-isyu ang kagawaran ng letters of inquiry (LOI).

Dahil dito, tumaas mula sa 400 patungong 600 na mga establisyimento ang minomonitor ngayon ng DTI, kung saan 120 ang binabantayan kada araw habang 500 mga tindahan naman ang binabatayan ng mga regional at provincial offices ng DTI.

Ang price monitoring ay pinaigting ng ahensya matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtitiyak na dapat ay pasok sa SRP ang mga basic necessities and prime commodities (BNPC).

Paalala ng DTI sa mga establisyimento, ang mga manipulasyon sa halaga ng mga bilihin ay maaaring magresulta sa criminal liabilities at penalties.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.