Paul McCartney guest sa ‘Carpool Karaoke’

By Justinne Punsalang June 24, 2018 - 02:47 AM

The Late Late Show Instagram

Isang malaking throwback ang napanood ng publiko sa bagong episode ng ‘Carpool Karaoke’ para sa programang ‘The Late Late Show with James Corden.’

Ito ay dahil ang sikat na miyembro ng bandang The Beatles na si Sir Paul McCartney ang guest ni James.

Umikot sina Paul at James sa Liverpool na isang lungsod sa North West England at kasabay nito ay nagduet ang dalawa ng mga sikat na awitin ng The Beatles.

Nag-stopover din sila sa ilang mga landmark katulad ng barber shop na binanggit sa kantang “Penny Lane.”

Ayon kay Paul, inakala nilang mga miyembro ng The Beatles na sampung taon lamang tatagal ang kanilang mga awitin at laking gulat niya na hanggang sa ngayon ay nananatiling sikat ang kanilang mga kanta maging sa bagong henerasyon.

Ikinwento rin ni Paul na ang kanyang namayapang ina ang kanyang naging inspirasyon para sa pagsulat ng “Let It Be.”

Huling pinuntahan nina James at Paul ang isang local bar kung saan nagkaroong ng sorpresang pagtatanghal ang The Beatles member at kinanta ang “Ob-La-Di, Ob-La-Da,” “Love Me Do,” “Back in the USSR,” at “Hey Jude.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.